Skip to main content

Featured

Minatamis na Saging Saba

Minatamis na Saging Saba ay karaniwang inihahain tuwing meryenda o almusal na karaniwang patok sa mga nagtatrabaho sa initan sapagkat ang minatamis na saging saba ay isa sa flavor na inihahalo sa Halo - Halo at saba con yelo atbpa ito ay patok lalo kapag panahon ng tag init ito ay isa sa mga pangunahing produkto sa negosyo kapag nasapit ang ganung panahon. Kung nais malaman kung papaano gagawin narito at sundan lamang.   Sangkap                              8 pcs saging na saba                             2 cups Brown sugar   3 cups water Paghahanda:  1.Hugasan at tanggalan ng balat ang saging saba ilagay ito sa isang malinis na lalagyan. 2.pakuluan ang 3 cups water at isalang ang 2 cups brown sugar haluin ito hanggang matunaw.  3. Kapag natunaw na ang asukal ilagay ang saging saba pakuluan ito 20 o hanggang 30 minuto at iha...

Paano magluto ng Suman Malagkit angkop ngayon quarantine!


Suman Malagkit ay isa sa paboritong meryenda sa aming probinsya meron ito ibat ibang uri na puwede maging sawsawan nito ito ay pwede sa asukal lamang, minatamis na latik na gawa sa gata ng niyog, kinayod na niyog o sa kape.
ngunit paano nga ba ang paggawa nito o pagluto nito? 
narito ang mga pamamaraan para sa ating Suman Malagkit.

Sangkap sa Suman Malagkit:

1 kilo Malagkit Rice
 7 cups gata ng niyog 
1 kutsarang asin
3 dahon ng pandan
1 cup sugar
Dahon ng Saging o niyog

Sangkap sa latik ng niyog:

1 cup pure gata ng niyog
1/2 cup asukal na brown
1/4 asin

Paghahanda:

1. Hugasan mabuti ang Malagkit rice 3 hanggang 4 na beses para ito ay malinis.
2. Isalang ito sa katamtamang apoy sa pamamagitan ng malaking kawali o kaserola.
3. Unang isalang ang gata ng niyog hintayin ito uminit isunod ang asin, asukal at ang pandan haluin ito upang matunaw at isunod ang malagkit rice.
4. Haluin ito hanggang 20 minuto upang hindi ito dumikit sa ating kawali o kaserola, hintayin ito maluto ng half cook sa katamtamang apoy.
5. Ihanda ang dahon ng saging padaanan ang bawat bahagi nito sa apoy at punasan ng malinis na tela o dahon ng niyog sapagkat dito ibabalot ang malagkit rice na may sukat na 2 o 3 kutsara.
6. ilagay sa isang kaserola at lagyan ng tubig upang pakuluan at ito ay maluto na ng tuluyan sa ating paglaga sa dahon ng saging o dahon ng niyog ng aabot 45 minuto hanggang 1 oras.
7. Pagkatapos pakuluan ilagay sa serving plate at isunod ang minatamis na latik.
8. Isalang sa katamtamang apoy ang kawali at isalang ang pure 1 cup ginataang niyog hintayin uminit ito at isunod ang asukal na brown at konting asin,haluin ito ng 10 o 15 minuto hanggang ito ay lumapot.
9. Ilagay sa bowl ang minatamis na latik at kasama ihanda ang masarap na Suman Malagkit..

Suman Malagkit with Minatamis na Latik




Popular Posts