Skip to main content

Featured

Minatamis na Saging Saba

Minatamis na Saging Saba ay karaniwang inihahain tuwing meryenda o almusal na karaniwang patok sa mga nagtatrabaho sa initan sapagkat ang minatamis na saging saba ay isa sa flavor na inihahalo sa Halo - Halo at saba con yelo atbpa ito ay patok lalo kapag panahon ng tag init ito ay isa sa mga pangunahing produkto sa negosyo kapag nasapit ang ganung panahon. Kung nais malaman kung papaano gagawin narito at sundan lamang.   Sangkap                              8 pcs saging na saba                             2 cups Brown sugar   3 cups water Paghahanda:  1.Hugasan at tanggalan ng balat ang saging saba ilagay ito sa isang malinis na lalagyan. 2.pakuluan ang 3 cups water at isalang ang 2 cups brown sugar haluin ito hanggang matunaw.  3. Kapag natunaw na ang asukal ilagay ang saging saba pakuluan ito 20 o hanggang 30 minuto at iha...

Papaano Magluto ng Adobong Manok

Adobo ay isang paboritong ihandang ulam sa lamesa ng mga Pilipino,noong panahon pa man ang adobo ay isang klase ng  ulam na preserba mula pa sa ibang bansa tulad ng spanish at latin america na tawag naman nila ay Adobar o adobo  (marinade,seasoning,o masarsa) ito ay may kaakibat na sarap kapag ito ay ating naririnig at nalalanghap ito ay binubuo ng pampalasa tulad ng paminta,asin,bawang, suka atbpa na pampalasa angkop sa adobo. Ito ay isa sa paraan na pangreserbang pagkain na nagawa na nung panahon sa ibang bansa.
Meron po tayo iba ibang klase ng adobo na niluluto tulad ng adobo sa manok, karne,gulay at isda.
Napili  ko po ang adobong manok sapagkat ito ay isa sa aking karaniwang paboritong ihanda sa amin.ibabahagi ko rito ang sunod sunod na pamamaraan kung papaano ihanda ang mga ito upang maging perfect ang ating adobong manok.
Narito ang mga sangkap na dapat nating ihanda para sa Adobong Manok:

1 kilo ng Manok (pahati ito ng adobo size)
6 piraso butil ng bawang
4 piraso laurel leaves
8 kutsarang suka
8 kutsarang soy sauce
2 kutsarang cooking oil
Asin
Durog na paminta at buong paminta
Magic sarap o vetsin alin man po sa dalawa ang nais gamitin
1 basong tubig
Karagdagang pampalasa po kung sakali nais lang po lagyan.
2 1/2 kutsarang asukal na pula

Paghahanda.

1. Linising mabuti ang manok at ihanda sa isang kaserola at pagsama samahin ang mga sangkap ang soy sauce,suka, 4 na piraso butil ng bawang ang 2 piraso ay pang gisa, dahon ng laurel,paminta at magic sarap upang ito ay marinade ng isang gabi para manuot ang pampalasa sa manok o pakuluan ng 15 minuto upang lumabas ang juicy ng manok upang makadagdag sa masarap na lasa ng adobo.

2.Kapag ito ay na marinade na ng isang gabi o napakuluan ng 15 minuto. Maari na ito igisa sa cooking oil at 2 piraso bawang hintayin lang po natin maging katamtaman brown ang kulay ng bawang atsaka po natin ilagay ang marinade na manok upang ito ay ating magisa at ating ilagay ang isang basong tubig at katamtamang dami ng asin upang ito ay hindi umalat sapagkat naglagay na tayo ng soy sauce at kasabay nito kung nais nating lagyan pa ng pamintang buo.

3.Kapag nagisa na ang marinade nating manok pakuluan po natin ito ng 20 minuto o 30 minuto sa katamtamang apoy ng ating kalan upang manout ang pampalasa sa bawat bahagi ng ating manok at maghalo ang juicy na lasa naman na nagmumula sa ating manok at siyempre para hindi rin ito matuyuan ng sabaw at lumambot ang laman ng ating manok.

4.Alamin ang laman ng manok kung ito ay malambot na pagka malapit na sa 20 o 30 minuto pagpapakulo sa katamtamang apoy ng ating kalan gumamit tayo ng tinidor upang ito ay ating malaman. Para sa nais na karagdagang pampalasa maari ng ilagay ang pulang asukal upang masabay sa pagkulo at ito ay mahalo ng husto at matunaw sa sabaw ng ating adobong manok.

5. Pag naabot na ang 20 o 30 minuto pagpapakulo nito maari na po nating ihanda sa ating lamesa ilagay po natin sa ating serving bowl at ihain ang masarap na adobong manok.

Sana po ay inyong nasundan ang isang simple lamang po paghahanda ng ating adobong manok na isa sa mga paborito ko pong ulam na ihanda. Maraming salamat po!.





Popular Posts