Minatamis na Saging Saba
Minatamis na Saging Saba ay karaniwang inihahain tuwing meryenda o almusal na karaniwang patok sa mga nagtatrabaho sa initan sapagkat ang minatamis na saging saba ay isa sa flavor na inihahalo sa Halo - Halo at saba con yelo atbpa ito ay patok lalo kapag panahon ng tag init ito ay isa sa mga pangunahing produkto sa negosyo kapag nasapit ang ganung panahon. Kung nais malaman kung papaano gagawin narito at sundan lamang.
Sangkap
8 pcs saging na saba
2 cups Brown sugar
3 cups water
Paghahanda:
1.Hugasan at tanggalan ng balat ang saging saba ilagay ito sa isang malinis na lalagyan.
2.pakuluan ang 3 cups water at isalang ang 2 cups brown sugar haluin ito hanggang matunaw.
3. Kapag natunaw na ang asukal ilagay ang saging saba pakuluan ito 20 o hanggang 30 minuto at ihain na ang masarap na minatamis na saging saba.
Maraming salamat po.