Skip to main content

Featured

Minatamis na Saging Saba

Minatamis na Saging Saba ay karaniwang inihahain tuwing meryenda o almusal na karaniwang patok sa mga nagtatrabaho sa initan sapagkat ang minatamis na saging saba ay isa sa flavor na inihahalo sa Halo - Halo at saba con yelo atbpa ito ay patok lalo kapag panahon ng tag init ito ay isa sa mga pangunahing produkto sa negosyo kapag nasapit ang ganung panahon. Kung nais malaman kung papaano gagawin narito at sundan lamang.   Sangkap                              8 pcs saging na saba                             2 cups Brown sugar   3 cups water Paghahanda:  1.Hugasan at tanggalan ng balat ang saging saba ilagay ito sa isang malinis na lalagyan. 2.pakuluan ang 3 cups water at isalang ang 2 cups brown sugar haluin ito hanggang matunaw.  3. Kapag natunaw na ang asukal ilagay ang saging saba pakuluan ito 20 o hanggang 30 minuto at iha...

Paano ang pagluto ng pichi pichi


 Pichi Pichi isa sa pinakamasarap na meryenda na hinahanda at ngayon ay isa sa pinaka patok gawing produkto sa negosyo pagdating sa pagkain.
Karaniwan inihahanda ito pagsapit ng meryenda ito ay may sangkap na galing sa kamoteng kahoy at ito ay malinamnam at may kalambutan.
Upang inyong malaman kung papaano ba nagagawa ang pichi pichi narito ang mga sangkap at ang paggawa.



Mga sangkap

3 dahon Pinakuluang Pandan
4 cups Kinayod na kamoteng kahoy
2 cups kinayod na niyog
2 cups kinayod na cheese
2 cups asukal na puti
1 tsp lihia



Paggawa

1.Hugasan at balatan ang kamoteng kahoy kayurin pagkatapos.
2.Magpakulo ng 2 cups na tubig ilagay ang dahon ng pandan upang mahalo sa tubig ang aroma ng pandan.
3.Alisin ang dahon ng pandan at ihalo na ang asukal na puti, lihia at kinayod na kamoteng kahoy.
4.Haluin maigi upang matunaw ang asukal at humalo ito maigi sa kinayod na kamoteng kahoy.
5.Pahiran ng konting mantika ang ating molds para hindi  dumikit ang ating ginawang pichi pichi sa molds.
6.Ilagay sa molds ang ating ginawang pichi pichi katamtaman dami lang ang dapat ilagay at hindi dapat puno ang molds sapagkat maari ito masira o umapaw.
7.Ilagay ang molds na tapos ng lagyan at ready to cook sa streamer at lutuin ito ng 1hr at palamigin.
8.pagkatapos na ito ay lumamig lagyan ng kinayod na niyog at kinayod na cheese, roll ito upang ang kabuuan ng ating pichi pichi ay malagyan ng niyog at cheese.
9.Ilagay sa serving plate at ito ay ihain.


Sana po ay inyong nasundan ang ating masarap na pichi pichi.Maraming salamat po.

Popular Posts